Pasig City government may libreng antibody test sa mga residente
May alok na libreng Covid antibody test ang Pamahalaang Panglunsod ng Pasig para sa mga residente.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, kailangan na tumawag muna ng mga Pasigueño sa mga hotlines para magpareserba.
Aniya, bawal ang walk-in para hindi dagsain ng mga tao ang testing site.
300 slots ang nakalaan sa bawat araw para sa libreng testing.
Kung maging matagumpay at maayos aniya ang unang araw ng testing ay gagawin nila ito araw-araw.
Ang covid testing na isasagawa ay tinatawag na ECLIA o Enhanced Chemiluminescence Immunoassay.
Ito aniya ang unang fully automated Covid-19 antibody test na bineripika ng parehong Food and Drugs Administration (FDA) ng Pilipinas at Amerika.
Sinasabing mas reliable ang ECLIA kumpara sa Rapid test.
Nilinaw naman ni Sotto na iba pa ang nasabing libreng test sa Covid testing sa mga close contacts at may sintomas.
Ulat ni Moira Encina