Pasok sa ilang korte sa Hilagang Luzon suspendido dahil sa bagyong Marce
Walang operasyon ang ilang hukuman sa Hilagang Luzon ngayong Huwebes bunsod ng Bagyong Marce.
Kabilang sa suspendido ang pasok ay ang Aparri,Cagayan RTC at lahat ng first-level courts na nasa hurisdiksyon nito.
Gayundin, ang Sanchez Mira, Cagayan RTC at ang 1st at 2nd MCTC ng Sanchez Mira at Claveria.
Wala ring pasok ang lahat ng hukuman sa buong Batanes at lahat ng korte sa hurisdiksyon sa Candon City, Ilocos Sur.
Maaga namang pinauwi kaninang 12:00 ng tanghali ang mga kawani ng mga korte sa Tagudin, Ilocos Sur bilang pagiingat sa pinsala na dala ng bagyo.
Moira Encina
Please follow and like us: