Pasok sa ilang korte suspendido pa rin ngayong araw dahil sa epekto ng Bagyong Nika

Nanatiling walang operasyon ang ilang hukuman sa Hilagang Luzon ngayong Martes, Nobyembre 12 bunsod ng epekto ng Bagyong Nika.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, suspendido ang pasok sa RTC branches at Office of the Clerk of Court sa Santiago City, Isabela at sa MCTC Cordon-Dinapigue at Ramon/San Isidro sa Isabela.

Ito ay para bigyang daan ang cleaning operations sa mga korte at para sa kaligtasan ng mga tauhan na naapektuhan ng bagyo.

Wala ring pasok ang lahat ng korte na nasa hurisdiksyon ng Cauayan City, Isabela RTC.

Pero inabisuhan ang mga korte na dapat ay ma-contact pa rin ang mga ito ng mga abogado at court users sa kanilang opisyal na email address at hotline.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *