Pasok sa Korte Suprema, Court of Appeals at Sandiganbayan suspendido ngayong Miyerkules dahil sa masamang panahon

Photo: SC-PIO

Walang pasok sa Korte Suprema ngayong araw bunsod ng mga pag-ulan dala ng habagat.

Ayon sa Supreme Court, iniutos ni acting Chief Justice Marvic Leonen ang suspensiyon ng pasok sa SC dahil sa mga posibleng pagbaha dulot ng inaasahang malakas na pag-ulan sa Maynila.

Photo: SC-PIO

Bukod sa SC, nag-anunsiyo rin ng suspensyon sa trabaho ang Court of Appeals at Sandiganbayan.

Hindi kasama sa work suspension sa mga nasabing hukuman ang nasa essential o frontline services.

Ipinauubaya naman ng Korte Suprema sa executive judges ng mga hukuman sa mga apektadong lugar ang pagsuspinde sa kanilang pasok.

Moira Encina – Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *