Pasok sa Korte Suprema suspendido ng ilang araw para sa gagawing disinfection ng mga gusali at mga opisina
Isasailalim sa disinfection ang ibat ibang gusali at tanggapan sa Korte Suprema mula ngayong Huwebes hanggang sa araw ng Linggo.
Ayon sa memorandum circular na pirmado ni Chief Justice Diosdado Peralta, inirekomenda na magsagawa ng sanitation at paglilinis sa lahat ng mga gusali at tanggapan ng Supreme Court dahil sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 bunsod ng mga bagong variant ng virus.
Dahil dito, suspendido ang pasok sa trabaho ng mga kawani ng Korte Suprema mula March 11 hanggang 14.
Tanging ang on-duty personnel ng Medical and Dental Services, Security and Maintenance Divisions, at Office of Administrative Services ng SC ang otorisadong pumasok sa mga nabanggit na petsa.
Epektibo naman sa March 15 hanggang 19 ang itinalagang skeleton workforce na 50% sa bawat opisina ang papasok upang mapanatili ang physical distancing na six feet.
Moira Encina