Pasok sa mga eskuwelahan at tanggapan ng gobyerno sa Lunes, July 24, suspendido dahil sa bagyong Egay at transport strike

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang suspensiyon ng pasok sa eskuwelahan at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Lunes, July 24, 2023 dahil sa Tropical Storm Egay.

Sa memorandum circular no. 25 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang suspensyon ay dahil sa bagyo at nakaambang 72 oras na transport strike sa Metro Manila na isasabay sa State of the Nation Address ni Pangulong Marcos Jr.

Gayunman, tuloy pa rin ang operasyon ng government agencies na nakatuon sa delivery ng basic at health services, preparedness/response to disasters at calamities, at iba pang mahahalagang serbisyo.

Sa pagtaya ng PAGASA weather bureau, posibleng palakasin ng bagyong Egay ang Southwest Monsoon o Habagat ngayong weekend hanggang sa susunod na linggo na magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Habang nagbanta naman ang transport group na Manibela na magsasagawa ng strike mula July 24 hanggang 26 upang iprotesta ang December 31 deadline para sa consolidation phase ng PUV modernization program.

TL

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *