Pasok sa mga korte sa NCR at sa ibang lugar na may local testing sites sa bar exams, suspendido sa Setyembre 20

Walang pasok sa Setyembre 20, Miyerkules sa mga korte sa Metro Manila at iba pang lugar kung nasaan ang local testing centers para sa 2023 Bar Examinations.

Una nang inanunsiyo ng Korte Suprema na isasagawa ang bar exams ngayong taon sa September 17 (Linggo), September 20 (Miyerkules), at sa Setyembre 24 (Linggo).

Sa sirkular na inisyu ni Court Administrator Raul Villanueva, sinabi rin na ang lahat ng opisyal at kawani ng mga hukuman na magsisilbing bar exams personnel ay ikukonsiderang nasa official business.

Idaraos ang pagsusulit sa 14 na eskuwelahan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Anim sa local testing centers ay nasa National Capital Region.

May tig-tatlong LTC sa Luzon at Visayas at may dalawa naman sa Mindanao.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *