Pasok sa Supreme Court at iba pang korte sa NCR, suspendido ngayong Lunes
Walang pasok sa Korte Suprema at iba pang mga hukuman sa Metro Manila ngayong Lunes, July 24, 2023.
Una nang nag-anunsiyo ng suspensyon ang Sandiganbayan at Court of Tax Appeals na parehong nasa Quezon City dahil sa state of the nation address (SONA) ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. sa Batasang Pambansa.
Nagtalaga naman ng skeleton workforce ang CTA sa ilang tanggapan nito gaya ng Office of the Clerk of Court, Judicial Records Division, Cash Division, Security Services Unit, at General Services Division para sa essential frontline services.
Kanselado rin ang mga pasok sa lahat ng first- at second-level courts sa National Capital Region (NCR) bunsod naman ng transport strike at epekto ng Bagyong Egay.
Moira Encina