25 patay sa bagyong Egay; Pinsala ng bagyo pumalo na sa P5.9B – NDRRMC
Umakyat pa sa 25 ang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Egay at Southwest Monsoon o Habagat sa bansa.
Sinabini Diego Agustin Mariano, deputy spokesperson ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na sa 25 na naiulat na nasawi, 2 pa lamang ang kumpirmado habang bineberipika pa ang 23.
Iniulat ng NDRRMC na mayroong 52 ang iniulat na sugatan at nasa 20 pa ang nawawala.
Karaniwang pagkalunod at tinangay ng rumaragasang tubig ang sanhi ng pagkamatay.
Samantala, tinatayang nasa P5.9 billion ang kabuuang pinasla na iniwan ng bagyong Egay.
Ayon sa NCRRMC, P4.4 billion ang pinsala sa imprastraktura habang tinatayang nasa P1.5 billion naman sa agrikultura.
Higit isang milyong residente rin ang naapektuhan sa 13 rehiyon ng bansa habang nasa 30,000 residente ang inilikas at kaamihan ay pansamantalang nanununuluyan sa evacuation centers.
Nasa 40 lugar na ang isinailalim sa State of Calamity dahil sa pinasala ng bagyo.
Nakapamahagi na ang pamahalaan ng nasa P64 bilyon na tulong sa mga apektadong residente kanilang ang mga food pack na ipinamahagi ng DSWD.
Weng dela Fuente