Patay sa landslide sa North China, 21 na
Mabilis na umakyat sa 21 ang namatay sa isang landslide dulot ng malakas na mga pag-ulan sa northern China, habang anim na iba pa ang nawawala.
Ang China ay naharap sa nakamamatay na mga baha at malalakas na mga pag-ulan nitong mga nakaraang linggo, kung saan dose-dosena ang namatay dahil sa mga bagyo sa hilagang bahagi ng bansa.
Sinabi ng Xi’an emergency management bureau, “Twenty-one people were found dead so far, and six others are still missing.”
Isang mountain flash flood sa nayon ng Weiziping, timog ng Xi’an sa Shaanxi province, ang naging sanhi ng isang landslide na tumangay sa dalawang bahay at sumira sa mga kalsada, tulay at iba pang mga imprastraktura at nakaapekto rin sa suplay ng kuryente.
Daan-daang mga sundalo maging mga bumbero ang pinakilos para sa relief operations na nagpapatuloy pa rin.
Ayon sa pahayag ng Xi’an emergency management bureau, mahigit sa 980 katao rin ang kinatulong para sa rescue effort, gamit ang life detectors at search dogs.
Ang landslide ay sumira sa dalawang bahay at nagbunsod ng pagkaputol ng suplay ng kuryente sa 900 mga bahay.
Nakasaad pa sa pahayag, “According to experts, the cause of the disaster is a flash flood mud-rock flow caused by short-term torrential rain. Up to now, a total of 186 people have been relocated and resettled… 49 communication base stations in the disaster-stricken area have resumed service, and power supplies have been resumed in 855 homes.”
Ang kamakailan ay “record-breaking” na mga pag-ulan ay kasunod ng ilang linggo nang “historic heat,” kung saan sinabi ng mga siyentipiko na ang “extreme weather events” ay pinalalala ng climate change.