Patay sa wildfires sa South Korea, umakyat na sa 18

Smoke rises from a wildfire that devastates the area, in Andong, South Korea, March 25, 2025. Yonhap via REUTERS
Hindi bababa sa 18 katao ang namatay sa pananalasa ng maraming wildfires sa southeastern region ng South Korea, kung saan libu-libong mga bumbero sa tulong ng militar ang idineploy upang apulahin ang isa sa pinakamatinding forest fires sa nakalipas na mga dekada.
Ang mapaminsalang wildfires ay mabilis na kumalat at nagtulak sa mahigit 27,000 mga reisdente na lisanin ang kanilang tahanan.
Ang mga sunog na pinatindi pa ng malakas na hangin at dry weather, ay tumupok na isang buong kapitbahayan, nagpaara sa mga paaralan at pumuwersa s amga awtorida upang iipat ang daan-daang mga bilanggo.

Smoke rises from a wildfire that devastates the area, in Andong, South Korea, March 25, 2025. Yonhap via REUTERS
Sinabi ni South Korean acting President Han Duck Soo, “We are deploying all available personnel and equipment in response to the worst wildfires evet, but the situation is not good.”
Ayon sa Safety Ministry, hanggang 5:00 am ngayong Miyerkoles (2100 GMT), 14 katao na ang namatay sa isang wildfire na nagsimula sa Uiseong county, habang apat na iba pang pagkamatay ang ini-uugnay naman sa iba pang sunog sa Sancheong county.
Sinabi ni Son Chang-ho, isang lokal na opisyal ng pulis, na karamihan sa mga namatay ay nasa pagitan ng edad 60 at 70.

A resident looks on as a wildfire devastates the area in Andong, South Korea, March 25, 2025. Yonhap via REUTERS
Ayon kay Lee Byung-Doo, isang forest disaster expert sa National Institute of Forest Science, “The Uiseong fire only 68% contained and exacerbated by gusty winds, shows ‘unimaginable’ scale and speed.”
Aniya, “Climate change is projected to make wildfires more frequent globally, like the unusual timing of wildfires that ravaged part of Los Angeles in January and the recent wildfire in northeast Japan.”
Dagdag pa niya, “We have to admit large-scale wildfires are going to increase and for that we need more resources and trained manpower.”
Sinabi naman ng Safety Ministry, “Dry conditions were expected to persist in the wildfire-hit region on Wednesday.”

A helicopter sprays water near Gounsa temple to protect it from a wildfire, in Uiseong, South Korea, March 25, 2025. REUTERS
Ayon pa kay Lee, “South Korea relies onhelicopters to help extinguish wildfires dur to its mountainous terrain, but there was a need to bring in other fire-fighting aircraft and drones that can operate at night.”
Sinabi naman ni Kim Jong-gun, isangtagapagsalita para sa Korea Forest Service, na 4,919 firefighting personnel ang idineploy ngayong Miyerkoles, kabilang ang daan-daang police officers at military units, habang 87 helicopters naman ang ginagamit sa pag-apula sa apoy.
Ang mga sunog na sumiklab noong Sabado sa Uiseong ay hindi pa naaapula, na tumupok na ng sinaunang mga templo at sumira ng mga tahanan.

The ruins of the Unramsa temple are pictured after a wildfire devastated the area in Uiseong Photograph: Minwoo Park/Reuters
Nagbabanta rin ang Uiseong fires sa ilang UNESCO World Heritage sites gaya ng Hahoe Village at Byeongsan Confucian Academy sa Andong city ayon sa isang city official, habang inispreyan naman ito ng mga awtoridad ng fire retardants upang subukang maproteksiyunan ang mga ito.
Batay sa ulat ng Yonhap, tinupok na ng sunog ang Goun Temple, isang sinaunang templo naitinayo noon pang 681.
Ayon sa gobyerno ng South Korea, itinalaga na bilang special disaster zones ang mga lugar na naapektuhan ng sunog, at sinabing sinira na nito ang mahigit sa 15,000 ektarya.