Patricia Bautista inilagay na sa Witness Protection Program ng DOJ
Inilagay na sa provisional coverage ng Witness Protection Program ng DOJ ang misis ni COMELEC Chairman Andres Bautista na si Patricia Paz.
Humarap at nakipagpulong si Patricia kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa DOJ kung saan pormal siyang naghain ng aplikasyon sa WPP.
Ayon kay Aguirre, isinailalim si Patricia sa WPP para sa seguridad at proteksyon nito.
Pasok din sa WPP ang mga anak ni Patricia.
Kinumpirma ng kalihim na may natatanggap na pagbabanta sa kanyang buhay si Ginang Bautista.
Pero tumanggi Patricia na ihayag ang detalye ng mga pagbabanta sa kanya.
Sinabi ni Aguirre kwalipikado si Mrs. Bautista para isailalim sa WPP.
Hindi anya kailangang may pormal na kaso na maisampa kaugnay sa isyu ng sinasabing tagong yaman ng COMELEC Chair.
Ulat ni: Moira Encina