Patuloy na pag-iral ng NTF- ELCAC , ipinagtanggol ng DND sa budget briefing sa Kamara
Maituturing na game changer sa kampanya ng pamahalaan laban sa communist terrorist group ang pagkakatatag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
Ito binigyang diin ni Defense Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. sa budget briefing ng Department of National Defense o DND sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagkakahalaga ng 310.8 bilyong piso.
Ayon kay Faustino mula nang ilunsad ang NTF-ELCAC noong 2019 ay nagkaroon ng malaking pagbaba ng banta sa pamahalaan at mga sibilyan mula sa communist terrorist group sa bansa.
Sinabi ni Faustino sa loob lamang ng tatlong taon umabot na sa 60 guerilla fronts ang nabuwag.
Inihayag ni Faustino na patuloy na susuportahan ng DND ang pag-iral ng NTF-ELCAC.
Ipinaliwanag ni Faustino na mula sa 310.8 bilyong pisong proposed budget ng DND 240.2 billiong piso ay inilaan para sa regular fund habang ang nalalabing P70.5 Billion ay para sa pensyon at gratuity fund ng mga retiradong sundalo.
Vic Somintac