Patung-patong na kaso inihain sa Ombudsman laban sa alkalde, bise alkalde at 3 pang opisyal ng Tanay, Rizal kaugnay sa isinarang resort sa Rizal

Nahaharap sa patung-patong na kaso sa Ombudsman ang alkalde, bise alkalda at 3 pang opisyal ng Tanay, Rizal dahil sa pagsasara ng isang resort sa Rizal.

Bukod sa mga kasong graft at paglabag sa Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, ay nahaharap din sa mga kasong administratibo si Tanay, Rizal Mayor Rafael Tanjuatco, anak niyang si Vice Mayor Manuel Tanjuatco at tatlong iba pang mga opisyal ng munisipyo ng Tanay.

Kaugnay ito ng pagsasampa ng kaso ni Mrs. Mildred Bendanillo ng One Person Company, ang kompanyang nagmamay-ari sa Treasure Mountain, isang resort at dinarayong camp site sa Barangay Cuyambay sa bayan ng Tanay.

Sa walong pahinang reklamo ng negosyante, pitong taon nang nakabinbin at inupuan sa tanggapan ni Mayor Tanjuatco ang mga kinakailangang permit mula sa Mayor’s office, Business and Licemsing office, maging sa environmental at engineering office ng munisipyo.

Ayon kay Atty. Icasiano Monzon, legal counsel ng Treasure Mountain, sumunod ang kaniyang kliyente sa mga requirement ng batas hanggang sa tanggapan ng DENR, pero ang problema aniya ay nasa kamay na ng lokal na pamahalaan ng Tanay.

Noong 2017 ay nakapag-operate ang Treasure Mountain hanggang nitong July 2024, dahil sa panuntunan noon ng dating administrasyong Duterte na awtomatikong valid ang isang permit sa loob ng limang araw kung mabibigong aprubahan ito ng LGU o anomang ahensiya ng gobyerno.

Giit ni Atty. Monzon, malinaw na nagpabaya ang LGU ng Tanay laluna sa pagpapatupad ng RA 11033 o ang Ease of Doing Business Act of 2018.

Bukod kay Mayor Tanjuatco at anak na bise alkalde, ay kabilang din sa mga sinampahan ng reklamo ay ang municipal administrator na si Jeffre Pino, seinor environmental specialist na si Suzette Villanueva, at ang municipal engineering office head engineer na si Roberto R. Penaranda.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *