PBBM , dadalo sa APEC Summit sa Thailand sa Nobyembre
Tinanggap ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang imbitasyon para sa nakatakdang Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa Thailand.
Ito ay matapos na personal na ipaabot ang imbitasyon kay PBBM ni Thai Chargé d’ affaires Thawat Sumitmo na siyang nakaupo ngayong Chairman ng APEC sa naging pagbisita nito kasama ang iba pang Asean Ambassadors.
Muling isasagawa ang face-to-face APEC Summit sa darating na November 18 hanggang 19, 2022 makalipas ang dalawang virtual event bunsod ng COVID-19 pandemic.
Naitatag ang APEC Summit noong 1989 bilang economic forum sa Asia-Pacific Region na ang layunin ay i-promote ang sustainable economic growth, trade and investment, at kasaganaan sa rehiyon.
Kumpiyansa si PBBM na ang ASEAN ay may mahalagang papel na gagampanan para sa mabilis na pagbangon ng ekonomiya sa rehiyon kasunod ng pandemya ng COVID-19.
Eden Santos