PBBM: High level communications sagot sa mga isyu sa West Phl Sea
Naninindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang ‘high-level communication’ ang tugon sa mga isyung kinasasangkutan ng West Philippine Sea (WPS)
Sa isang interview habang sakay ng PR001 flight patungong Washington D.C., nanawagan si Pangulong Marcos para sa final adoption ng Philippines-China ‘direct communication line” kasunod ng muntikang salpukan ng mga barko ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
“This is the kind of thing that… we’re hoping to avoid, that this time it was a little more dangerous because malapin na sila eh,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.
“Talagang kamuntik na nagbanggan and that will case a great many… that can cause casualties on both sides.,” diin pa ng Pangulo.
“And that’s exactly what we want to avoid kaya’t binilin ko sa kanila ‘yung sinasabi na mayroong high level na communication, tapusin na natin, buuin natin. Hindi pa natin nabubuo, we’re waiting for China to give us the details kung who will we be the team at their end,” pahayag pa ni Pang. Marcos.
Sinabi ng Pangulo na nakabuo na ang PIlipinas ng team at naisumite na ang mga pangalan, maging ang mga telephone numbers ng mga ito.
“So, inaantay na lang natin ‘yung counterpart ng team natin from China,” saad pa ng Pangulo.
Bagama’t ang pangkalahatang priyoridad ay maingatan ang maritime security, sinabi ng Pangulo na kailangang sumang-ayon ang China para upuan at pag-usapan ang ukol sa fishing rights ng mga Filipino sa West Philippine Sea.
“So that’s what we have to do. That’s what we have to decide and they have agreed again to sit down. I’ve asked the Coast Guard and the DFA (Department of Foreign Affairs) to put together perhaps a map of these fishing grounds that… sasabihin natin, ito Pilipinas talaga ito and we’ll see what they say when we give them our proposal,” dagdag pa ng Pangulo.
Sa kaniyang state visit sa Beijing noong Enero, kapwa sumang-ayon sina Marcos at Chinese President Xi Jinping na mag-establisa ng “direct communication mechanism”.
Kapwa nagkasundo rin ang dalawang lider sa mahalagang papel ng “confidence-building mesrues para sa pagpapabuti ng mutual trust, and sumang-ayon sa halaga ng foreign ministry at Bilateral Consultation Mechanism sa West Philippine Sea.
Weng dela Fuente