PBBM hiningi ang tulong ng dating DPWH chief para paghandaan ang El Niño
Kakatuwangin ng Marcos administration si dating Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson para sa mga paghahandang ginagawa ng gobyerno upang ibsan ang epekto ng El Niño.
Sa pagpupulong sa Malacañang para ilatag ang pamamaraan ng gobyerno upang ibsan ang napipintong tagtuyot, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutulong si Singson sa pagbuo ng contingency plan para sa El Niño gayundin sa pagtatatag ng overall plan para sa bansa.
Inilarawan ni Pangulong Marcos si Singson bilang isang water management expert.
Isa sa tinitingnang pamamaraan ni Pangulong Marcos ay ang conversion ng water usage ng bansa mula sa ground water o mga balon at aquifers para ilipat ang extraction sa surface water.
“Because we have enough surface water. It’s just a question of protecting it. We are designing now a system of catchment basins not only for flood control. The original plan was only for flood control. But now, we have said we have to… that flood control always now includes irrigation and sometimes even power, if we can do it,” paliwanag pa ng Pangulo.
Ipinasusumite naman ni Pangulong Marcos ngayong linggo sa Water Resources Management Office (WRMO) ang rekomendasyon nito para tugunan ang epekto ng El Niño sa bansa.
Ayon sa Pangulo nagtutulungan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Agriculture (DA) partikular ang National Irrigation Administration (NIA) para sa kaukulang paghahanda sa El Niño.
“We will have a plan for the mitigation of the effects of El Niño this week. I just spoke to the Secretary of DENR this morning and she has told me that she will be prepared to make public what needs to be done.”
“Presently, just to mitigate the effects of El Niño this coming – at least for this year, right now DENR, Public Works, DA (Department of Agriculture) especially NIA (National Irrigation Administration) are working together,” dagdag ng Chief Executive.
Sinabi pa ng Pangulo na ang init at alinsangang nararanasan ngayon ay hindi pa epekto ng El Niño
Weng dela Fuente