PBBM idiniin ang “neutral foreign policy” ng administrasyon
Muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ‘neutral foreign policy’ ng Pilipinas at kaniyang administrasyon.
Ito ang ipinarating ni Pangulong Marcos sa harap ng mga bagong Embahador o Chiefs of Mission na pinagtibay ng Commission on Appointments.
Sa isinagawang courtesy call sa kaniya ng nasabing mga diplomats sa Malacañang, pina-alalahanan ni Pangulong Marcos ang mga ito sa paninidigan ng bansa na walang papanigan.
Maka-ilang ulit na nabanggit ni Pangulong Marcos sa iba’t ibang forum ang independent foreign policy ng kaniyang administrasyon na “friends to all, enemy to no one.”
“We do not subscribe to any notion of a bipolar world. We only side, of course, to the Philippines, not to the US, not to Beijing, not to Moscow. That’s very much being independent in what we do,” mensahe ng Pangulo sa mga diplomats.
Sa nasabing courtesy call, inatasan din ng Chief Executive ang mga Chiefs of Mission na humanap ng mga ‘non-traditional’ partners sa kalakalan at seguridad.
Binigyang-diin ng Pangulo na makatutulong ang pakikipagtalakayan ng mga envoy ukol sa mga prayoridad ng administrasyon katulad ng agrikultura, enerhiya, imprastraktura at digitalisasyon.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos na kailangang umagapay ang bansa sa nagbabagong panahon.
“We are constantly now, after all the changes that have been imposed upon us, like the pandemic economy and the world situation, looking for what we sometimes referred to as non-traditional partners in trades, in any kind, in security and defense issues. All these things, we are always looking for partners,” dagdag na mensahe pa ng Pangulo.
“I am sure you have heard that we are prioritizing agriculture, energy, all of the infrastructure development, and digitalization. Now, if there are opportunities that would come up, you should explore them and if they’re promising enough, then we’ll take it up. We’ll try to see if something can come up. There’s no harm in trying and kung anuman ang mangyari, at least we tried,” paliwanag pa ng Punong Ehekutibo.
Kasama sa grupo na nag-courtesy call kay Pangulong Marcos sa Malacañang sina:
- Ambassador Carlos Sorreta: Permanent Representative of the Philippines to the United Nations (UN) in Geneva, Switzerland
- Ambassador Henry Bensurto Jr.: Republic of Türkiye
- Ambassador Raul Hernandez: Sultanate of Oman
- Ambassador Renato Pedro Villa: Kingdom of Saudi Arabia
- Ambassador Maria Angela Ponce: Malaysia
- Ambassador Paul Raymund Cortes: Portuguese Republic
- Ambassador Josel Ignacio: Republic of India
Weng dela Fuente