PBBM ikinatuwa ang pagbaba ng unemployment at underemployment rates sa bansa
Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang resulta ng May 2023 Labor Force Survey na nagsasabing bumaba ang bilang ng mga walang trabaho o unemployed at mga underemployed.
Sinabi ng punong ehekutibo na pangunahing prayoridad at lahat ng ginagawa ng Marcos Government ay para mahanapan ng magandang trabaho ang mamamayan.
Ayon kay PBBM, kailangang magtuluy-tuloy ang economic activity upang magpatuloy din ang paglikha ng mga trabaho.
Una nang ipinaliwanag ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na napababa ng administrasyon ang underemployment at unemployment rates sa ikalawang quarter ng 2023 dahil sa economic strategies at mga polisiyang ipinatupad para makahimok ng mas maraming local at foreign investments sa bansa.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang unemployment rate sa bansa ay 4.3 percent noong May 2023 mula sa 6.0 percent sa parehong petsa noong nakaraang taon.
Madelyn Moratillo