PBBM, inaprubahan na ang pag-aangkat ng 21,060 metric tons ng sibuyas
Inaprubahan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang rekomendasyon ng Department of Agriculture na umangkat ng mga sibuyas.
Ayon kay Agriculture Deputy Spokesman Rex Estoperez, aabot sa 21,060 metric tons ng sibuyas batay sa phytosanitary clearance permit na pirmado ni Senior Undersecretary Domingo Panganiban.
Ang importation ay may petsang January 9 na tatagal hanggang January 27
Sinabi ni Estoperez na layon nitong masolusyunan ang kakulangan sa suplay at maresolba ang isyu ng mataas na presyo nito.
Inaasahan ayon sa ospital na magsisimulang dumating ang suplay ng sibuyas sa January 17 kaya maaring maramdaman na rin ng publiko ang mas mababang halaga ng sibuyas.
Target aniya nito mapababa mula 120 hanggang 150 pesos.
Sa kasalukuyan ay umabot pa sa 400 hanggang 500 pesos ang presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa buong bansa.
Meanne Corvera