PBBM itinalaga sina Gibo Teodoro sa DND, Dr. Ted Herbosa sa DOH
Nagtalaga na si Pangulong Ferdinand Marcos ng permanenteng kalihim sa Department of National Defense (DND) at Department of Health (DOH).
Ito’y sa katauhan ni Gilbert Teodoro bilang bagong kalihim ng DND at Dr. Ted Herbosa naman sa DOH.
Sinabi nang Presidential Communications Office (PCO), inanunsyo ang appointment matapos ang magkahiwalay na pakikipagpulong ni Pangulong Marcos kina Teodoro at Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr., gayundin kay Herbosa at Health Officer-in-Charge Ma. Rosario Vergeire.
Si Teodoro ay nagsilbi rin bilang Defense chief noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at kinilala bilang pinakabatang humawak sa posisyon sa edad na 43.
Umakto rin ito bilang chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong umaakto siyang defense chief.
Kumandidato siya bilang presidente noong 2010 at senador nitong nakalipas na 2022 polls.
Samantala, nagbabalik naman sa DOH si Dr. Herbosa na umakto na rin bilang undersecretary sa kagawaran mula 2010 hanggang 2015 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Maraming mga inisyatibo ang isinulong ni Herbosa at humawak ng mga key positions sa medical service.
Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, nagsilbi si Herbosa bilang special adviser sa National Task Force Against COVID-19 na gumabay at tumulong sa pagbuo ng istratehiya para ibsan ang matinding impact pandemya.
Weng dela Fuente