PBBM kumpirmadong magsasalita sa UN General Assembly sa New York sa Sept. 20– DFA
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magsasalita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 77th United Nations General Assembly (UNGA) sa New York, USA.
Ayon kay DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza, magtatalumpati si Marcos sa UNGA sa Setyembre 20.
Magkakaroon ng joint press briefing sa Huwebes, Setyembre 15 ang DFA at ang Malacañang ukol sa magiging partisipasyon ni Marcos sa UNGA.
Una na ring sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na isinasaayos na nila ang posibleng pagpupulong nina Marcos at U.S. President Joe Biden sa sidelines ng UNGA.
Moira Encina
Please follow and like us: