PBBM: mga ibebentang smuggled na sibuyas dapat tiyak na dumaan muna sa inspeksyon
Nais matiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ligtas ang mga smuggled na sibuyas bago ito ilabas sa merkado.
Ito ang dahilan kaya ipinag-utos ni PBBM na isailalim muna sa phytosanitary inspection ang mga smuggled na sibuyas bago ito ilabas sa merkado.
Sa ginanap na cabinet meeting, sinabi ng Pangulo na nais man niyang mailabas ito agad nais din naman nyang masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Nabatid na kukuha ang pamahalaan ng third-party inspectors para magsagawa ng phytosanitary inspections sa mga nasabing sibuyas.
Sa ilang sibuyas na naisailalim na sa nainspeksyon, may ilan umano ang nakita na hindi “fit for human consumption”.
Nabatid na aabot sa 5 libong piso kada kilo ang gastos ng gobyerno para sa inspeksyon na mas mahal pa kaysa sa presyo ng sibuyas sa mga palengke.
Una rito, nagpahayag ng kahandaan ang Bureau of Customs na i-donate ang kanilang mga nakumpiskang agricultural products gaya ng sibuyas para maibenta sa sa Kadiwa stores.
Madelyn Villar -Moratillo