PBBM nagtalaga ng mga bagong opisyal sa PCO, DICT, AFP
Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga bagong opsiyal sa Presidential Communications Office (PCO), Department of Information and Communications Technology (DICT) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa ulat ng palasyo, kabilang sa mga itinalaga sa PCO sina Assistant Secretary Katrina Grace Ongoco, Director II si Nelson de Guzman at Director I si Robertzon Ramirez.
Sa DICT, itinalaga bilang mga Director II sina Nelson Daquiaog, Froilan Jamias, Sophia Lynn Lumantod, Arnold Barcelona, Andres Castelar Jr., at Jovita Chongco.
Itinaas naman ng ranggo sa AFP sina Captain Mario Awian at Mark Dave Monterey, Lieutenant Rodel Manahan at Navy Ensign Fritz Joseph Jaictin.