PBBM “no comment” sa isyu ng Speakership
Hindi pa magko-komento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa alingasngas ng Speakership sa Kamara de Representante.
Ito ang panimulang pahayag ni Pangulong Marcos matapos siyang ipakilala ni House Speaker Martin Romualdez sa 4th General Assembly ng League of Provinces of the Philippines (LPP) na isinasagawa sa Clark, Pampanga.
“I won’t make any comments on the Speakership as of yet..” sinabi ni Pangulong Marcos sa simula ng kaniyang talumpati.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasunod ng denial ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo pinlano niyang patalsikin si Speaker Romualdez.
Lumabas ang alingasngas ng coup plot laban kay Romualdez matapos pagbotohan ng mga kongresista na i-demote si Arroyo mula sa pagiging senior deputy speaker sa pagiging deputy speaker.
Pinalitan si Arroyo ni Pampanga Rep. Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr.
Bago naglabas ng kaniyang denial statement, naglabas ng statement of support kay Pangulong Marcos at Speaker Romualdez ang iba’t ibang partido pulitikal sa Kamara.
Kabilang na dito ang Nacionalista Party na nagsabing nananatili ang suporta nila sa liderato ni Romualdez at ni Pangulong Marcos.
“The Nacionalista Party expresses its unequivocal support to the leadership of Speaker Martin Romualdez of the House of Representatives as we remain fully committed to the administration of President Ferdinand Marcos Jr. in its vision of a united and prosperous nation,” ayon sa statement na inilabas ni House Deputy Speaker at Nacionalista Party Spokesperson Camille Villar.
Welcome naman sa Minority Bloc ang pagkakatalaga kay Gonzales bilang senior deputy speaker, at tiniyak ang commitment para makipagtulungan sa liderato ni Romualdez.
“We in the minority bloc join colleagues in congratulating Deputy Speaker Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr. on his election as the new Senior Deputy Speaker of the House of Representatives,” pahayag sa statement ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan.
Dagdag pa ni Libanan “We reiterate our full support to the leadership of Speaker Martin Romualdez, who has ably steered the House in delivering unprecedented accomplishments less than a year in our terms.”
Nagpalabas din ng hiwalay na statement of support ang PDP-laban sa pangunguna ng bagong talagang senior deputy speaker, Cong. Dong Gonzales.
“The PDP-Laban today expressed its full support for the administration of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and the leadership of Speaker Martin Romualdez in the House of Representatives,” pahayag ni Cong. Gonzales.
“Our party reiterates its unwavering support for both the President and Speaker Romualdez. Together, they have accomplished much for our country and our people,” dagdag pa ng Pampanga solon.
Maging ang Nationalist People’s Coalition (NPC) at ang kaalyado ng administrasyon na Party-List Foundation, Inc. (PCFI) ay nagpahayag din ng suporta kay Romualdez.
Weng dela Fuente