PBBM pinagtibay ang PH-Hawaii Tourism ties
Nakipagpulong si Pangulong Bongbong Marcos sa delagasyon ng Pacific century fellow mula Hawaii para lalong pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at ng American state, partikular sa larangan ng turismo.
Itinatag ang Pacific century fellow sa pamamagitan ng ni President at CEO ng Hawaii Lodging and Tourism Association na si Mufi Hannemann.
Nilalayon ni Hannemann na higit pang talakayin ang mga paraan para mapalakas ang industriya ng turismo ng Pilipinas at Hawaii.
Marami aniyang mga oportunidad para sa pagtutulungan kay Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco para maiangat ang turismo ng dalawang bansa.
Si Hannemann ay isang aktibong tagasuporta ng filipino community sa Hawaii; at itinutulak niya ang pagsusulong ng mga pilipino sa industriya ng turismo.
Nagtalaga siya ng maraming pilipino sa kaniyang gabinete at sa iba’t ibang lupon at komisyon.