PBBM pinalawig ang termino ni NBI Chief Menardo de Lemos
Pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pamumuno ni Director Menardo de Lemos bilang hepe ng National Bureau of Investigation (NBI).
Magpapatuloy si de Lemos sa pamumuno sa NBI hanggang sa kung kailan ang kaniyang pre-determined appointment, o hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos.
Sumapit na sa kaniyang retirement age si de Lemos noong June 8 sa edad na 65.
Si de Lemos ay mula sa ranggo ng NBI na nagsilibi bilang ahente hanggang sa maitalaga bilang hepe ng ahensya noong Agosto ng nakaraang taon.
Nagsisilbi ring lecturer si de Lemos sa Philippine Judicial Academy (PJA) para ibahagi ang kaniyang kaalaman sa paggamit ng karahasan para sa security training ng mga hukom.
Umakto na rin si de Lemos bilang officer-in-charge ng NBI noong 2013 nang italaga siya nang noo’y Justice Secretary Leila de Lima.
Weng dela Fuente