PBBM siniguro ang suporta sa NKTI para sa accessible at cost-effective na dialysis treatment
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang buong suporta sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa gitna na rin ng tumataas na mga kaso ng sakit na may kaugnayan sa kidney.
Ginawa ni PBBM ang pahayag kasabay ng personal na pagdalo sa ika-40 anibersaryo ng NKTI.
Pinuri naman ni Pangulong Marcos ang mga naging tagumpay ng NKTI sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo mula nang maitayo ito noong 1983.
Ang NKTI ay itinatag noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Kabilang sa mga serbisyong ibinibigay ng NKTI ay kidney transplants, dialysis, at treatment sessions.
Giit ng PBBM, mahalaga ang accessible at cost-effective na mga serbisyong ito para mas mapababa ang kaso ng pagkamatay na dahil sa kidney disease at kidney failure.
Madelyn Moratillo