PBBM tiniyak ang suporta sa FIBA World Cup 2023 na idaraos sa bansa
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang buong suporta sa FIBA Basketball World Cup (FBWC) 2023 na nakatakdang gawin sa bansa sa Agosto.
Una rito, personal na bumisita sa Pangulo ang mga miyembro ng FIBA Central Board kasama ang delegado mula sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).
Ang huling FBWC ay ginawa sa bansa noon pang 1978 na panahon ng ama ni Pangulong Marcos na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Kwento ng Chief Executive, naroon siya nang pangunahan mismo ng ama ang FIBA, kaya ikinalulugod niyang gawin ito sa bansa.
Isang karangalan aniya kung maire-re-enact niya ang pagtoss ni Marcos Sr., sa bola na hudyat ng pagsisimula ng laro.
Ayon sa Pangulo, ang sports ay isa sa mga nais bigyang-pansin ng kanyang administrasyon.
Malaki ang tiwala ng Pangulo na magiging matagumpay ang World Cup 2023 lalo na at popular ang larong basketball sa bansa.
Madelyn Moratillo