PBBM umapila sa mga jeepney operator na huwag ituloy ang strike
Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ang nanawagan sa mga driver at operator ng pampublikong transportasyon na huwag ng ituloy ang ikinakasang tigil pasada sa susunod na linggo.
Apila ni PBBM sa kanila, umupo muna sa dayalogo at makipag-usap muli.
Aminado ang pangulo na may mga problema sa implementasyon ng PUV modernization kaya pinag- aaralan na ng gobyerno para sa win win solution.
Maging si PBBM ay hindi rin pabor sa pag phase out ng mga tradisyunal na jeep dahil kung maayos pa naman ito ay bakit kailangang palitan.
Una rito, sinabi ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board na ang mga indibidwal na operator ng tradisyunal na jeep ay hindi na pwedeng mamasada pagkatapos ng June 30 malibang sumali sila sa kooperatiba.
Madelyn Villar – Moratillo