PCCCI, nanindigan na tumaas ang kaso ng kidnapping sa bansa
Nanindigan naman ang Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry o PCCCI, na mataas ang kaso ng Kidnapping ngayon.
Sa pagdinig, Sinabi ni PCCCI Secretary General Ko Beng sum na ang 56 na una nilang nireport sa hearing ng Kamara sa loob ng nakalipas na 10 araw ay mababa lamang .
Malaki ang posibilidad na mas marami pa dahil karamihan ay hindi nairereport sa mga awtoridad.
Inamin ni Beng sum, na marami sa mga kasong ito ay unreported.
Dahil kung may kaugnayan sa POGO ay takot magreport ang mga biktima dahil ilegal ang POGO sa China.
Kapag nareport sila sa Chinese Embassy ay madedeport ang mga ito at makakansela ang kanilang pasaporte.
ibinigay na halimbawa sa Pampanga na isa lang ang nagreport na dinukot ngunit sa Operation ng PNP AKG ay 43 iba pa ang na-rescue.
Sa panig ng PNP, sinabi ni Police LT General Chiquito Malayo na sa 29 na kaso ng Kidnapping ngayong 2022 ay 15 ang POGO related cases kumpara sa Casino related at Traditional Kidnap for Ransom cases.
Meanne Corvera