PCG Commandant Admiral Artemio Abu magreretiro sa October 19
May 5 senior officers ng Philippine Coast Guard ang nanomina na posibleng pumalit sa kanilang Commandant na si Admiral Artemio Abu na nakatakdang magretiro sa October 19.
18 buwang nagsilbi si Abu bilang commandant ng PCG.
Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, kabilang sa 5 ito ay sina Vice Admiral Rolando Punzalan, Vice Admiral Ronnie Gil Gavan, Vice Admiral Joseph Coyme, Vice Admiral Allan Victor Dela Vega, at Vice Admiral Roy Echeverria.
Si Punzalan ay kasalukuyang Deputy Commandant for Operations ng PCG, habang si Gavan naman ay Deputy Commandant for Administration, si Coyme naman ay Commander ng Maritime Services Command, si Dela Vega naman ay Commander ng Weapons, Electronics and Information Systems at si Echeverria Commander ng Maritime Security and Law Enforcement Command.
Ayon kay Balilo, ang 5 candidates ay sasailalim sa series of interviews at haharap sa senior leadership ng Department of Transportation bago ma-endorso sa tanggapan ng Pangulo.
Pero nilinaw ni Balilo na pwede namang mag-appoint ang Pangulo ng ibang pangalan bilang
Commandant kahit wala sa 5 nominees.
Madelyn Moratillo