PCGG tutulong sa imbestigayon ng DOJ sa tagong yaman ni COMELEC Chair Bautista
Handang makipag-tulungan ang Presidential Commission on Good Government sa isasagawang imbestigasyon ng Department of Justice kaugnay sa tago umanong yaman ni COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ito ang tugon ni PCGG Acting Chairman Reynold Munsayac sa mga alegasyon ni Patricia Paz-Bautista na may mga iregularidad na ginawa ang kanyang mister noong ito pa ang Chairman ng PCGG.
Sa affidavit ni Ginang Bautista na inihain sa National Bureau of Investigation, isiniwalat nito na mayroong mga ghost employee sa PCGG noong pamunuan ito ng kanyang mister.
Tumanggap din umano ng komisyon sa isang law firm ang poll body chief dahil sa pag-rekomenda ng mga kliyente na maging dalawang sequestered companies ang PCGG.
Si Bautista ang naging Chairman ng PCGG bago italaga ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa Comelec noong 2015.