PCOO, Presidential Task Force on Media Security at Presidential Human Rights Committee Secretariat, ikinatuwa ang hatol na guilty sa mga akusado sa Maguindanao massacre
Nakikiisa ang Presidential Communications Operations Office, Presidential Task Force on Media Security at Presidential Human Rights Committee Secretariat sa selebrasyon ngayong araw sa pagsulong aniya ng hustisya sa Pilipinas kasunod ng hatol na guilty ng Quezon City RTC Branch 221 sa ilang mga akusado sa Maguindanao massacre.
Sa joint statement ng 3 ahensya, tinawag nila na abomination o kasuklam-suklam ang naganap na masaker na anila’y nagdala na kahihiyan sa bansa sa usapin ng press freedom.
Ayon sa 3 ahensya, hindi malilimutan ang araw na ito dahil naisulong ngayong araw ang karapatang pantao ng mga biktima, at nabigyan sila ng hustiya.
Magsisilbing babala aniya ang desisyon ng korte sa mga makapangyarihang pulitiko, dito man sa bansa o abroad, na hindi sila makalulusot sa ano mang pananagutan sakaling masangkot rin sila sa ganitong krimen.
Dahil sa desisyon aniya na ito ay naihanay muli ang bansa sa ibang nasyon na masasabing nagsusulong, nagpoprotekta at nagbibigay importansya sa karapatan at dignidad ng mga tao.
Sabi ni Presidential Task Force on Media Security Co-Chair at PCOO Secretary Martin Andanar, inasahan na niyang ito dito lang mapupunta ang desisyon ng korte.
Aniya, noon pa man ay sinasabi na niyang hindi makakalusot sa batas ang mga kriminal na pumapatay ng mga mamamahayag.
Mabagal man ang naging takbo ng kaso, pero napatunayan aniya sa democratic system ng bansa na nairiryan pa rin ang hustiya.
Si Undersecretary Severo Catura at executive director of the Presidential Human Rights Committee Secretariat sinabing patunay ito na tinupad ng gobyerno ang obligasyon nito na protektahan ang karapatang pantao.
Nanawagan naman si Undersecretary Jose Joel Sy Egco, ang executive director of the Presidential Task Force on Media Security na kasabay ng desisyon na ito, nawa’y alalahanin ng lahat ang 58 kataong namatay sa Maguindanao massacre, kung saan 32 doon ay mga miyembro ng media.
Ulat ni Vic Somintac