Peace and order situation sa Northern Samar, mayos pa rin sa kabila ng papalapit na Midterm elections
Maganda ang peace and order ng Northern Samar at wala pang naiuulat na kaguluhan na may kaugnayan sa nalalapit na Midterm elections.
Ayon kay San Roque Mayor Don Avalon, bagamat may matinding labanan sa pagitan ng mga kakandidato sa pagka-Kongresista sa first dictrict ng Northern Samar, hindi naman magulo at hindi madugo ang pulitika ng lalawigan.
Aniya, kung may labanan namn sa pulitika ay hindi pine-personal.
Kung mayroon mang insidente ng pagpatay sa ilang mga Barangay ay inaalam pa kung may kaugnayan ito sa eleksyon at hindi ito kumakatawan sa kabuuang peace and order situation ng kanilang lalawigan.
“Dito sa Northern Samar yung labanan ng mga pulitiko ay hindi dinadala sa kani-kanilang personal na buhay. Yung nangyari na patayan sa isang bayan dito ay hindi yan ang magre-represent ng kabuuang peace and order at political situation sa buong lalawigan. Inaalam pa natin kung ano yung totoong kadahilanan”.