Pekeng Lian Hua Qing Wen na gamot umano sa COVID-19 , nagkalat sa merkado – FDA
Marami na umanong kumakalat na pekeng pekeng “Lian Hua Qing Wen” ngayon sa merkado.
Ang “Lian Hua Qing Wen” ay isang Chinese traditional medicine na sinasabing nakakagamot sa COVID-19.
Ayon kay FDA Dir. Gen. Eric Domingo, nakikipag ugnayan na sila sa NBI at PNP para mahuli ang mga nagpapakalat at nagbebenta nito.
Sinabi pa ni Domingo, may mga naisagawa na ring raid ang mga awtoridad sa Metro Manila at Region 3 kung saan nakasabat ng mga pekeng Lian Hua Qing Wen.
Ang nasabing gamot ay inaprubahan ng FDA bilang “traditional medicine”.
Pero sa China ay ginagamit umano ito sa mild covid patient.
Paalala ng FDA sa publiko huwag tatangkilin ang mga pekeng gamot dahil delikado ito sa kalusugan.
Madz Moratillo