Pekeng NBI agent na nakakuha ng P10-million sa isang Chinese businessman, arestado

0
Recovered evidence

Courtesy: SPD

Isang pekeng NBI agent ang naaresto kaugnay nang nakulimbat nitong sampung milyong piso mula sa isang Chinese businessman.

Sa isinagawang operasyon ng Pasay CPS Trackers Team, naaresto ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Crisanto, 50-anyos.

Base sa report, ang biktima na nakilala lamang sa alyas na Chen, 38-anyos at isang negosyante na nakatira sa Makati City, ay nagsampa ng reklamo sa Pasay City Police Station.

Sinabi ng biktima na nagbigay siya ng sampung milyong pisong cash sa suspek sa loob ng Seafood Restaurant sa Pasay City, kapalit umano ng pagpapalaya sa 20 Chinese National na idinitini sa NBI Cybercrime Unit matapos ang operasyon sa isang KTV bar sa Parañaque City.

Pero pagkatapos matanggap ang pera, ay nabigo ang suspek na tuparin ang pangako nito.

Nagawa naman ng pulisya na mabawi ang isang milyong piso na bahagi ng sampung milyong cash na ibinigay sa suspek, isang pulang Ford Raptor (Plate Number NDJ 8758) na binili noong Pebrero 22, 2025, mula sa nakuhang pera sa biktima.

Courtesy: SPD

Ang sasakyan ay inimpound bilang bahagi ng imbestigasyon.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Pasay City Police Station habang naghihintay ng pormal na paghahain ng mga reklamo laban sa kaniya sa Pasay Prosecutor Office.

Archie Amado

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *