Pele lalabas na ng ICU, matapos alisin ang kaniyang tumor
Ilalabas na mula sa intensive care unit (ICU) ng isang ospital sa Sao Paulo, ang Brazilian football legend na si Pele matapos sumailalim sa operasyon upang alisin ang isang hinihinalang tumor sa kaniyang colon.
Ayon ito sa social media post ng isa sa mga anak na babae ni Pele na si Kely Nascimento, na may kasamang close-up photo ng kaniyang 80-anyos na ama na nakangiti.
Ayon sa post ni Nascimento . . . “He is doing well post surgery, he is not in pain and is in good mood (annoyed that he can only eat jello but will persevere). He will move into a regular room in the next day or two and then go home.”
Batay sa pinakahuling hospital bulletin mula noong nakaraang Biyernes, si Edson Arantes do Nascimento na mas kilala sa tawag na Pele “was recovering in a ‘satisfactory’ manner and ‘actively conversing’ and displaying vital signs within normal range.”
Ang hinihinalang tumor ay na-detect sa isinagawang routine tests sa isang ospital, kung saan sumasailalim si Pele sa treatment mula pa noong August 31.
Ikinu-konsidera ng marami bilang greatest footballer of all time, si Pele ay dumanas na ng hindi magandang lagay sa kaniyang kalusugan sa mga nakalipas na taon, at ilang ulit na ring na-ospital.
Tanging manlalaro sa kasaysayan na nanalo ng tatlong World Cups (1958, 1962 at 1970), si Pele ay natanyag noong siya ay 17 anyos pa lamang sa pamamagitan ng kamangha-mangha niyang mga goal, kasama na rito ang dalawa sa final laban sa host na Sweden kung saan napanalunan ng Brazil sa unang pagkakataon ang World Cup noong 1958.