Pelikulang ‘Coco 2” dinidevelop na sa Disney at Pixar studios

0
DISNEY PIXAR

(L-R) Director Lee Unkrich, Anthony Gonzalez, who plays the voice of Miguel, co-director/screenwriter Adrian Molina and producer Darla K. Anderson attends Disney-Pixar's U.S. premiere of "Coco" in the Hollywood section of Los Angeles, California, U.S. November 8, 2017. REUTERS/David McNew/File Photo

Dini-develop na ng animation studios ng Disney at Pixar ang pelikulang “Coco 2,” na nakatakdang ilabas sa 2029.

Ito ang inanunsiyo ng CEO ng Disney na si Bob Iger, sa ginanap na annual shareholder meeting ng kompanya.

Matatandaan na ang unang “Coco” ay nanalo ng dalawang Academy Awards para sa best animated feature at best original song na “Remember Me,’ at nagwagi rin ng isang Golden Globe para naman sa best animated motion picture at isang BAFTA para sa best animated film.

Tungkol ito kay Miguel, isang doce anyos na batang lalaking nangangarap na maging isang musician sa kabila nang ilang henerasyon nang ipinagbawal sa kanilang pamilya ang musika.

Ang “Coco 2” ay hahawakan din ng mga direktor ng unang “Coco” film, ang Oscar-winning director na si Lee Unkrich at ang co-director niya na si Adrian Molina.

Ayon kay Iger, “While the film is just in the initial stages, we know it will be full of humor, heart and adventure. And we can’t wait to share more soon.”

Ang pelikula ay sa ilalim ng produksiyon ng Oscar-winning producer na si Mark Nielsen, na nasa likod din matagumpay na pelikulang “Toy Story 4” at “Inside Out.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *