Pension para sa mga magsasaka at mangingisda isinusulong sa Kamara
Itinutulak ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na mabigyan ng pension ang pagreretiro ng mga mangsasaka at mangingisda para maitawid ang kanilang pang araw-araw na gastusin sa oras na tumigil na sila sa pagtatanim at pangingisda.
Nakapaloob ito sa House Bill 2420 o “Agriculture Pension Act” na inihain ni Agri Partylist Representative Wilbert Lee na nagtatakda ng pagbuo ng Farmers and Fisherfolk Social Security and Pension Program.
Sinabi ni Lee paraan ito para masuklian ang walang pagod na pagkayod ng mga magsasaka at mangingisda para maitaguyod ang kanilang pamilya na buhayin ang local agriculture sektor at ang buong ekonomiya bansa.
Sa panukalang batas ni Lee ang pondo para sa mga benepisyo ng mga magreretirong magsasaka at mangingisda ay kukunin mula sa sampung porsiyento ng annual tax collections sa importasyon ng iba’t-ibang agri-products at taunang pondo ng Department of Agriculture o DA.
Kung magiging ganap na batas ang DA, Social Security System at Philippine Crop Insurance Corporation para magkatuwang na bumalangkas ng Implementing Rules and Regulation o IRR.
Vic Somintac