Pentagon, pinag-aaralan nang magsagawa ng airstrike laban ISIS na nasa Pilipinas
Pinag-aaralan na ng Pentagon na magsagawa ng airstrike laban sa mga miyembro ng grupong ISIS na nasa Pilipinas.
Ayon kay Pentagon Spokesperson Capt. Jeff Davis, matagal nang may intelligence sharing ang Pilipinas at US military.
Labinlimang taon na aniyang consistent ang counterterror presence ng Amerika sa Pilipinas kaya pwedeng payagan ang airstrike bilang collective self-defense at bahagi ng official military operation.
Kung matutuloy, isasagawa ang airstrikes gamit ang Armed drones ng US.
Please follow and like us: