Peoples Reform Party ni Dating Senador Miriam Santiago, susuportahan ang kandidatura ni Davao Mayor Sara Duterte kung tatakbo itong Pangulo sa 2022
Inianunsyo ng Peoples reform party ni dating Senador Miriam Defensor Santiago ang suporta sa posibleng kandidatura ni Davao Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkapangulo sa May 2022 national elections.
Sinabi ni Atty Narciso Santiago jr, Presidente ng partido, naniniwala sila sa kakayahan ni Mayor Sara para ipagpatuloy ang mga adbokasiya ng dating senador.
Sinabi ni santiago maraming pagkakatulad ang kaniyang asawa sa kasalukuyang alkalde ng Davao lalo na sa mga isinusulong na adbokasiya.
Huli niya raw nakausap si Duterte Carpio nitong June 15 nang dumalo sa isang programa para sa anibersaryo ng pagkamatay ng kaniyang asawa.
Pero sinabi aniya ng alkalde na wala pa itong nabubuong pasya at nangakong pag-iisipang mabuti ang pagtutulak sa kanya na tumakbong pangulo.
Gayunman napagkasunduan aniya na bumuo ng alyansa sa iba pang partido para mapalakas ang kanilang pwersa sa May 2022.
Meanne Corvera