People’s Republic of China, kinikilala ng Asean sa mahalagang gampanin sa pagtataguyod ng Regional peace and prosperity sa rehiyon

 

Kinikilala ng Asean ang kahalagahan ng gampanin ng China pagdating sa pagpapanatili ng peace, stability at prosperity sa rehiyon.

Ayon kay Asean Secretary Dato Lim Jock Hoi, isa ang China sa dialogue partner nito pagdating sa kalakalan sa asean region.

Nais aniya nilang maging bahagi ang China pagdating sa pagpaaptuloy at pagpapatatag ng political mutual trust, pagpapalalim ng ugnayang pang-ekonomiya, trade elations at cooperation para mapaghusay pa nito ang Asean-China partnership na magbibigay ng kontribusyon sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.

Sinabi naman ni Chinese ambassador to Asean Huang Xilian, kinikilala din ng China ang gampanin ng Asean pagdating sa regional cooperation nito sa mga bansang miyembro nito.

Suportado rin ng China ang mga isinusulong na programa, proyekto at iba pang role sa international at regional affairs ng Asean organization.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

=== end ===

 

.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *