Pertussis cases sa bansa pumalo na sa higit 1 libo
Pumalo na sa 1,112 ang naitalang kaso ng pertussis sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, yan ay mula Enero 1 hanggang Marso 30 lang ng taong ito.
May 54 naman na nasawi dahil sa sakit na ang edad ay mas mababa sa 5 taong gulang.
Kabilang sa mga rehiyon na nakitaan ng patuloy na pagtaas ng kaso ay sa: Eastern Visayas, Cagayan Valley, CARAGA, Central Luzon, at Cordillera Autonomous Region.
Una rito, kinumpirma ng World Health Organization na ang tigdas at Pertussis ay concern na sa maraming bansa dahil sa COVID-19 pandemic lockdowns.
Isa pang naging problema ayon kay Health Sec Ted Herbosa ang vaccine hesitancy.
Aminado naman ang DOH na mababa na ang suplay ng pentavalent o 5-in-1 vaccine sa bansa ngayon na nasa 64,400 doses na lamang.
Umorder na ang gobyerno ng dagdag na 3 milyong doses ng bakuna.
Madelyn Villar- Moratillo