PET ibinasura ang apela ni VP Robredo na idismiss ang protesta ni dating Sen. Bongbong Marcos
Pinagtibay ng Presidential Electoral Tribunal ang desisyon nito na ideklarang may sufficient in form and substance ang electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ito ay matapos ibasura ng PET dahil sa kawalan ng merito ang motion for reconsideration ni Robredo na humihiling na idismiss ang protesta ni Marcos.
Ayon sa PET, nadesisyunan na nila sa kanilang January 24 resolution ang isyu ng form and substance ng protesta ni Marcos.
Inulit lang anila sa apela ni Robredo ang mga argumento sa verified answer at counter protest nito.
Paliwanag pa ng PET, sapat nang pagbatayan ang mga inilatag na ultimate facts sa protesta dahil premature kung bibigyan ng konsiderasyon ang mga ebidensya.
Sa apela ni Robredo, sinabi na bigo si Marcos na tukuyin ang mga sinasabi nitong pandaraya sa eleksyon, anomalya at iregularidad sa mga ipinprotesta niyang presinto.
Ulat ni: Moira Encina