Petisyon na naglalayong ideklara bilang nuisance candidate si Bongbong Marcos, tinanggihan ng COMELEC
Ibinasura ng Commission on Elections ang petisyon na nagnanais ideklara si Ferdinand “Bongbong” Marcos bilang isang nuisance candidate sa May 2022 elections.
Sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, na ang petisyon partikular ni Danilo Lihaylihay ay tinanggihan ng 2nd Division ng poll body.
Ayon kay Jimenez . . . “The division ruled that Marcos did not fall under any of the three broad categories of nuisance candidates: one who has filed a candidacy to throw the election process in mockery or disrepute, one who causes confusion among voters by the similarity of names, or one who commits acts or circumstances which clearly demonstrate the lack of a bona fide intention to run for office.”
Wala nang iba pang dagdag na detalye hinggil dito.
Si Marcos ang standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas, at running mate niya ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte.