Petisyon ni dating OMB Chair Ronald Ricketts laban sa kasong graft, ibinasura ng SC
Hindi pinagbigyan ng Supreme Court First Division ang petisyon ni dating Optical Media Board Chairperson at Chief Executive Officer Ronald Ricketts laban sa kasong katiwalian sa kanya.
Ang graft case laban kay Ricketts ay nag-ugat sa sinasabing kabiguan nito na sampahan ng kaso ang mga nahulihan ng pirated DVDs at VCDs sa isang raid noong 2010.
Sa resolusyon ng SC First Division, sinabi na hindi nito nakitaan ng merito ang petition for certiorari ni Ricketts.
Kinatigan rin ng dibisyon ang mga desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division noong 2017 na nagbabasura sa mga mosyon ni Ricketts.
Ayon sa SC, walang patunay sa petisyon ng dating OMB chair na inabuso ng anti-graft court ang kapangyarihan nito nang ibasura ang kanyang apela at demurrer.
Moira Encina