Petisyon ni Sen. Leila de Lima laban sa pagkakaaresto sa kanya kaugnay sa iligal na droga, ibinasura ng Korte Suprema.

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Senador Leila De Lima na ipawalang bisa ang warrant of arrest na inisyu ng branch 204 ng Muntinlupa City Regional Trial Court kaugnay sa kaso niyang illegal drugs trading.

Ayon sa sources sa Supreme Court, 9 na mahistrado ang bumoto para ibasura ang petisyon ng senadora habang 6 naman ang pumabor

Pero kahit pinaboran ng SC ang kahilingan ni De Lima ay makukulong pa rin ito dahil may hiwalay pang arrest warrant laban dito na ipinalabas ang branch 205 ng Muntinlupa RTC.

SA petisyon ni De Lima iginiit nito na walang hurisdiksiyon ang Muntinlupa Court sa kaso niya kaya walang batayan ang arrest order nito at iligal ang pagkulong sa kaniya.

Tanging ang Sandiganbayan aniya ang may hurisdiksyon sa kaso dahil nangyari ang paratang sa kanya noong siya ay kalihim ng DOJ.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *