Petisyon vs 2025 National Budget, isasalang sa oral arguments ng Korte Suprema

Nagtakda ang Korte Suprema ng oral arguments sa petisyon na kumukuwestiyon sa ilang probisyon sa 2025 General Appropriations Act o 2025 National Budget.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, isasagawa ang oral arguments sa Abril 1, Martes ng ika-2 ng hapon sa Supreme Court compound sa Baguio City.

Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting
Gaganapin naman ang preliminary conference sa Pebrero 28 ng ala-una ng hapon sa Supreme Court Main Building sa Maynila.
Sa petisyon, hiniling ng petitioner na si Atty. Vic Rodriguez sa Supreme Court na ipawalang-bisa at ideklarang labag sa Saligang Batas ang 2025 General Appropriations Act dahil may mga blangkong bahagi sa Bicameral report ng Senado at Kamara sa 2025 budget.
Moira Encina-Cruz