Petitioners sa Anti- Terror law, balak iapela ang ruling ng SC
Plano ng isa sa mga petitioners sa Anti- Terror law na si Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares na iapela ang desisyon ng Korte Suprema sa kaso.
Ito ay matapos na hindi ideklarang labag sa Saligang Batas ng Supreme Court ang karamihan sa mga hinamon nilang probisyon ng Anti-Terror Act (ATA).
Ayon kay Colmenares, sa oras na makuha nila ang kopya ng buong ruling ay malaki ang posibilidad na maghain sila ng motion for reconsideration.
Itinuturing ng abogado na partial victory lamang sa civil at political rights ang desisyon ng SC na ideklarang unconstitutional ang dalawang bahagi ng ATA.
Naniniwala si Colmenares na dapat ding ibasura ng SC ang halos lahat ng iba pang probisyon ng batas
Isa na aniya rito ang probisyon sa pagkulong sa suspected terrorists nang hanggang 24 na araw nang walang kaso sa korte.
Moira Encina